Batay sa huling update ng Quezon City Police District (QCPD), bumaba ang bilang ng mga taong nagtungo sa mga pangunahing sementeryo sa Quezon City.
Ayon sa datos ng Pulisya, umabot nalang sa 21, 228 ang bilang ng mga bumisita sa puntod ng kani-kanilang mga mahal sa buhay.
Sa tala ng Police Station 14, nasa 2,627 indibidwal ang bumisita sa Himlayang Pilipino Cemetery.
Sa rekord ng Police Station 13 nasa 280 na lang ang nagtungo sa Recuerdo Cemetery.
Habang ang Police Station 4 patuloy ang monitoring sa Holy Cross Cemetery/ Manila Memorial Park lna may 9569, BagBag Public Cemetery na may 7264 at Nova PubLic Cemetery na may 1,488 katao.
Patuloy pa rin ang pakiusap ng Pulisya sa publiko na sumunod pa rin sa mga itinakdang alituntunin sa pagpasok sa sementeryo para sa mas ligtas na paggunita ng UNDAS 2024.