Bilang ng mga casualties sa Bagyong Aghon, isasapinal na ng NDRRMC

Bilang ng mga casualties sa Bagyong Aghon, isasapinal na ng NDRRMC

ISINASAILALIM pa sa beripikasyon ang kongkretong datos ng mga casualties sa Bagyong Aghon.

Ito ang tinuran ni National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) Spokesperson Edgar Posadas.

hinggil sa pinsalang idinulot ng Bagyong Aghon sa bansa.

Ani Posadas, kailangan nilang maging maingat dito bagaman may mga nakararating na ulat sa kanila hinggil sa bilang ng mga nasawi, hindi pa nila ito maituturing na opisyal na bilang hangga’t wala silang dokumentong hawak.

Una nang nabatid na may limang napaulat na nasawi sa kasagsagan ng bagyo kung saan, apat ay mula sa CALABARZON kabilang na ang isang sanggol at 1 naman mula sa Northern Mindanao.

Pero giit ni Posadas, hindi pa nila ito maituturing na opisyal na bilang hangga’t hindi napatutunayang dala ng bagyo ang naging sanhi ng pagkasawi ng mga ito.

Batay sa opisyal na datos na hawak ng NDRRMC, 7 ang naitalang sugatan dahil sa bagyo, walang nasawi at walang nawawala.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble