Bilang ng mga dumalaw sa Manila North Cemetery, lagpas na sa 1.5M; Mga nawawalang bata napa-ulat

Bilang ng mga dumalaw sa Manila North Cemetery, lagpas na sa 1.5M; Mga nawawalang bata napa-ulat

Pami-pamilya ang dumalaw ngayong November 01 sa Manila North Cemetery ang pinakamalaking sementeryo sa buong Pilipinas.

May mga bitbit na kung anu-anong pagkain, bulaklak at kandila ang mga dumalaw.

Sa iba, reunion ang nangyayari sa kanilang pamilya kapag Undas.

Ang mga senior citizen at persons with disabilities, sa kabila ng kanilang kalagayan, walang angal sa pagdalaw gawa ng palibreng sakay ng Manila LGU.

Ang mga ibang bisita, hindi rin pinalampas ang pagdalaw sa mga sikat na nakahimlay sa Manila North Cemetery

Ilan sa mga nakahimlay dito ay si FPJ at kaniyang asawa na si Susan Roces.

Gayundin ang mga nagdaang presidente ng bansa gaya ni Manuel Roxas, Ramon Magsaysay at Sergio Osmena.

Nakahimlay din dito ang mga nagsibing alkalde ng lungsod ng Maynila gaya ni Alfredo Lim, Valeriano Fugoso Sr., Arsenio Lacson at dating konsehal na si Nicholas Monzon Jr.

Maaraw ang naging panahon sa araw ng November 01 sa sementeryo.

Ang ibang dalaw, nahilo gaya ng senior citizen na si Nanay Priscilla.

Ayon sa pamununan ng Manila North Cemetery lumagpas na sa 1.5M ang dumalaw sa sementeryo.

Mahigpit ang ginawang inspeksyon sa mga gamit ng mga dalaw.

Kumpiskado ang mga dalang pabango, sigarilyo, lighter, at vape.

Ang Manila Police District, iimbestigahan naman ang report na may nakalusot na alak at ang insidente ng pambubugbog sa loob ng sementeryo

Mayroon namang mga naireport na nawawala sa loob ng sementeryo.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter