Bilang ng mga dumalo sa INC Rally for Peace pumalo na sa 1.58 milyon—PNP

Bilang ng mga dumalo sa INC Rally for Peace pumalo na sa 1.58 milyon—PNP

PUMALO na sa 1.58 milyong katao ang dumalo sa INC Rally for Peace sa iba’t ibang panig ng bansa.

Mahigpit pa rin ang pagbabantay ng Pulisya sa Quirino Grandstand sa Maynila kung saan dito ang may pinakamaraming bilang ng mga dumalo.

Ayon kay Police Regional Office 3 Director at Concurrent PNP Spokesperson, PBGen. Jean Fajardo, bukod sa Quirino Grandstand, tinututukan din nila ang iba pang mga lugar sa bansa na pinagdarausan ng aktibidad.

Kabilang na rito ang Ilagan City sa Isabela sa Region 2, Puerto Princesa City sa Region 4A, Sawangan Park sa Albay sa Region 5, Freedom Grandstand Bacolod City sa Region 6, SRP Grounds sa Cebu City sa Region 7.

Gayundin sa Ormoc City Plaza sa Leyte para sa Region 8, Pagadian City Proper sa Region 9, Plaza Divisoria sa Cagayan de Oro sa Region 10, San Pedro Square sa Davao City sa Region 11 at Butuan City Sports Complex sa Region 13.

Mula naman sa 5K pulis na dineploy sa INC rally, umakyat na sa 8K ang bilang ng PNP Personnel na ipinakalat sa mga pinagdarausan ng rally sa buong bansa.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter