Bilang ng mga gov’t employee na nagpositibo sa COVID-19, tumataas

Bilang ng mga gov’t employee na nagpositibo sa COVID-19, tumataas

NASA 18,310 ang kabuuang bilang ng mga gov’t employee na nagpositibo sa COVID-19 sa buong bansa.

Base sa consolidated report ng Civil Service Commission (CSC) ukol sa COVID- 19 cases hanggang ngayong araw, Agosto 14, pinakamaraming naitalang positive cases ay mula sa National Capital Region (NCR) na may 13,430 ang bilang.

Sinundan ito ng Region 7 na may 2,570, Region 4 na may 780 at Region 3 na may 290.

Samantala, nasa 17,711 naman ang bilang ng mga gov’t employee na suspected na may COVID-19.

Sa hanay ng Philippine Coast Guard (PCG), 829 ng mga tauhan nito ang nagpositibo sa COVID-19 kung saan 638 na ang mga gumaling at 191 ang active cases.

Habang nasa 205 na ang tanggapan ng gobyerno sa buong bansa ang naka-lockdown kung saan 129 dito ay nasa NCR.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.