Bilang ng mga gumaling sa COVID-19 sa bansa, patuloy na tumataas

Bilang ng mga gumaling sa COVID-19 sa bansa, patuloy na tumataas

BONUS OFFER

 

UMAKYAT na sa 20, 371 ang bilang ng mga gumaling sa COVID-19 matapos maitala ang pinakamataas na bilang ng mga nakarekober na 4, 325.

 

Nadagdagan naman ng 836 ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa.

 

Batay sa pinakahuling ulat ng Department of Health (DOH), as of 4PM, tumaas na sa 57, 006 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa bansa.

 

Tumaas din ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa 1, 599 matapos madagdagan ng 65.

 

Tinigil na rin ng DOH ang paggamit ng fresh at late cases tag para sa additional cases.

 

Panibagong klasipikasyon ng community quarantine

 

Inaasahang sa Miyerkules, Hulyo 5, ia-anunsyo ni Pangulong Rodrigo Duterte ang bagong quarantine classification sa iba’t-ibang lugar sa bansa simula Hulyo 16.

 

Ito ang inihayag ni Presidential Spokesman Harry Roque sa isinagawang virtual press briefing sa Malakanyang.

 

Aniya, magkakaroon na ng last meeting ang Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) bukas, Hulyo 14 para sa pinal na rekomendasyon na isusumite kay Pangulong Rodrigo Duterte.

 

Inihayag din ni Roque na hindi maaaring magluwag ng quarantine protocol sa Metro Manila.

 

Sinabi naman ni Chief Implementer of the National Task Force (NTF) Against COVID-19 Secretary Carlito Galvez, Jr. na napagkasunduan sa meeting na may mga lugar sa bansa na isasailalim sa mas mahigpit na quarantine protocols pagkatapos ng Hulyo 15  bunsod nang tumataas na kaso ng severe at critical COVID-19 cases.

 

Idinagdag pa ni Galvez na bumibisita sila sa lahat ng mga alkalde ng Metro Manila at tinitignan kung paano ang kanilang implementasyon ng localized lockdown.

 

Inilahad ng chief implementer na inirekomenda ng Metro Manila mayors na manatili ang kanilang mga lugar sa general community quarantine (GCQ) o magkaroon ng hybrid localized lockdown.

 

Pero ang naturang rekomendasyon ay pag-uusapan pa aniya ito sa IATF meeting.

 

SMNI NEWS

 

Leave a Reply

Your email address will not be published.