SA tala ng ng Regional Disaster Risk Reduction and Management Operation Center (RDRRMOC), nasa 29,443 na pamilya o 110,042 indibidwal sa Bicol Region ang nauna nang inilikas upang maging ligtas sa Bagyong Bising.
Nakaalerto pa rin ang RDRRMOC habang patuloy na binabantayan ang galaw at epekto ng bagyo.
Handa namang gamitin ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang kanilang P1.6-B na halaga ng standby funds at family food packs para sa mga nasalanta ng bagyo.
Samantala, na-monitor naman ng Coast Guard District Bicol ang nasa 953 na-stranded na mga pasahero sa limang pantalan ng Bicol Region.
Inaasahan na magbabalik operasyon ang mga pantalan sa ngayong Biyernes o Sabado.
Kabilang sa na-stranded dahil sa Bagyong Bising hanggang Abril 19, 1:00PM:
959 individuals
3 buses
227 trucks
94 light vehicles
7 sea vessels
Ports: Matnog, Pilar, San Pascual, Cawayan, Pasacao
Suspendido pa rin ang mga klase at trabaho sa buong Camarines Sur at Catanduanes, sa lungsod ng Legazpi at Sorsogon, Barcelona, Bulan at Bulusan.
Sa kasalukuyan ay patuloy na minomonitor ng PAGASA ang Bagyong Bising.
Hanggang alas 4:00 a.m. kanina, namataan ang Bagyong Bising sa layong 505km silangan ng Infanta, Quezon.
Taglay nito ang lakas ng hangin na aabot sa 175km per hour at pagbugsong aabot sa 225km per hour.
(BASAHIN: Food packs at pondo, nakahanda na para sa maapektuhan ng Bagyong Bising —NDRRMC)