Bilang ng mga kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Laguna, umakyat na sa 15

UMABOT na sa 15 ang bilang ng mga kumpirmadong kaso ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) sa probinsiya ng Laguna.

Batay ito sa inilabas na datos ni Gov. Ramil Hernandez sa kanilang COVID-19 update hanggang kaninang alas 7 ng umaga.

Tumaas ito ng 4 mula sa 11 na naitalang positibong kaso kahapon ng tanghali.

Sa nasabing confirmed cases, 6 dito ay naitala sa Santa Rosa, 3 sa Biñan, 2 sa San Pedro at tig-iisa sa Cabuyao, Calamba, Los Baños at Lumban.

Bukod dito, nasa 506 ang patient under investigation (PUI) sa lungsod. Nasa 6,716 naman na person under monitoring (PUM) ang under observation habang 1,277 na pum ang cleared na.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.