Bilang ng mga kumuha ng Bar Exams bahagyang bumaba ngayong taon

Bilang ng mga kumuha ng Bar Exams bahagyang bumaba ngayong taon

NAGTAPOS na ang 2022 Bar Examinations nitong araw ng Linggo, Nobyembre 20.

Ayon sa Korte Suprema, 9,183 mula sa 10,006 na nag apply para sa Bar ang nakapagkumpleto ng eksaminasyon sa huling araw.

Ito ay katumbas ng 91.77% turn out na mas mababa sa 92.01% attendance rate sa unang araw ng Bar Exams noong Nobyembre 9.

Sa ikalawang araw ng Bar Exams noong Nov. 13 ay 9,196 ang nakapagkumpleto ng eksaminasyon, at noong ikatlong araw ng Bar, Nov. 16 ay 9,190 ang nakapagkumpleto ng pagsusulit.

Sa afternoon exam sa huling araw ng pagsusulit, 823 ang umabsent, kung saan 304 sa mga lumiban ay mula sa Ateneo de Manila University Testing Center.

Kung ikukumpara naman noong 2021 Bar Exam, bahagyang bumaba ang turn out ng bilang ng mga Bar examinee ngayong taon.

Noong 2021 kasi ay nasa mahigit 11k ang kumuha ng pagsusulit sa kabila ng kasagsagan ng pandemya.

Nagpasalamat naman si 2022 Bar Exam chairperson Associate Justice Alfredo Benjamin Caguiao sa lahat ng mga bar personnel na naging bahagi ng matagumpay na pagdaraos ng Bar Exam.

“Your hard work made possible the nationwide conduct of the Bar Exams. I hope that you know that each one of you has been vital in the success of this year’s Bar Examinations,”  saad ni Associate Justice Alfredo Benjamin Caguiao.

Ang 2023 Bar Exam naman ay gagawin sa buwan ng Setyembre sa susunod na taon.

Ito ay pangangasiwaan ni Associate Justice Ramon Paul Hernando.

Sinabi naman ni Chief Justice Alexander Gesmundo na sa pamamagitan ng regionalized at digitalized Bar Exam ay nabigyan ng patas na pagkakataon ang bawat isang Bar examinee.

Matatandaan na nagkaroon ng panawagan na ipagpaliban ang eksaminasyon dahil sa pananalasa ng Bagyong Paeng.

Binati naman ni Gesmundo si Caguiao dahil sa tagumpay ng 2022 Bar Exam.

 “Let me congratulate Associate Justice Benjamin Caguiao and his team for taking our big leap towards Bar reform, another step forward. Indeed our new modality, we have significantly given our examinees a more level playing field, and as the Ateneo prayer goes, “a chance equal with those in the strife,” ani Chief Justice Alexander Gesmundo Alexander Gesmundo.

 

Follow SMNI News on Twitter