Bilang ng mga manlalaro sa NBA na nagpositibo sa COVID-19, nadagdagan pa

NADAGDAGAN pa ang bilang ng mga NBA player ang nagpositibo sa COVID-19.

Ito ay matapos na kumpirmahin ng pamunuan ng Los Angeles Lakers na nagpositibo ang kanilang dalawang manlalaro na hindi naman pinangalanan.

Sinabi rin ng Lakers, na asymptomatic ang dalawang player na ngayon ay naka quarantine na.

Una namang kinumpirma ng Boston Celtics player na si Marcus Smart na nagpositibo ito sa naturang sakit at kasalukuyan na aniya siyang nakaself quarantine.

Magugunita naman na una ng kinumpirma ng Brooklyn Nets na tatlong manlalaro nito ang nagpositibo sa COVID-19 kabilang si Kevin Durant habang nagpositibo rin sa naturang virus sina Rudy Gobert at Donovan Mitchell ng Utah Jazz.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.