Bilang ng mga nagpositibo sa COVID-19 sa bansa, pumalo na sa 46, 333

Bilang ng mga nagpositibo sa COVID-19 sa bansa, pumalo na sa 46, 333

PATULOY ang nadaragdagan ang bilang ng mga tinamaan ng COVID-19 sa bansa.

 

Batay sa huling update ng Department of Health, nadagdagan pa ng 2, 099 ang bilang ng mga kumpirmado sa COVID-19.

 

Dahil dito, pumalo na sa 46, 333 ang kabuuang bilang ng confirmed case sa buong bansa.

 

Samantala, nadagdagan rin ng 243 ang bilang ng mga gumaling dahilan upang umabot nasa 12, 185 ang recoveries.

 

Pumalo naman na sa 1,303 ang kabuuang death toll sa bansa matapos itong madagdagan ng 6 sa nakalipas na magdamag.

 

Sa buong Timog Asya, pangalawa na ang Pilipinas sa may pinakamaraming kaso ng COVID-19 matapos nitong maungusan ang bansang Singapore.

 

COVID-19 cases sa bansa, posibleng umabot sa higit 60K sa katapusan ng Hulyo

 

Samantala, maaaring sumampa sa mahigit 60,000 ang magiging kaso ng COVID-19 sa Pilipinas pagsapit ng ika-31 ng Hulyo ngayong taon.

 

Ayon kay Professor Ranjit Rye ng Department of Political Science ng UP, dapat pag-isipan ng gobyerno kung dapat bang luwagan ang paggalaw ng publiko.

 

Lumalabas sa pag-aaral ng mga eksperto mula sa University of the Philippines na tumaas ng 50% ang fresh coronavirus disease 2019 (COVID-19) cases sa general community quarantine (GCQ) kumpara noong nasa enhanced community quarantine (ECQ) pa lang ang maraming lugar sa Pilipinas.

 

Sakaling patuloy pang dumami ang mga nagpopositibo sa naturang virus ay posible rin anilang lumobo sa mahigit 95,000 ang kaso ng coronavirus disease sa bansa sa ika-31 ng Agosto ngayong taon.

 

Dapat rin aniyang nasa 20,000 ang actual tests ang nagagawa sa kada araw sa bansa, sa ngayon kasi ay hindi pa lumalagpas sa 15,000 kada araw ang naisasagawang COVID-19 test.

 

SMNI NEWS

 

Leave a Reply

Your email address will not be published.