Bilang ng mga nagsumite ng courtesy resignation sa PNP, nasa mahigit 500 na

Bilang ng mga nagsumite ng courtesy resignation sa PNP, nasa mahigit 500 na

NASA mahigit 500 police colonels at generals ang nakapagsumite na ng kanilang courtesy resignation sa tanggapan ng Department of the Interior and Local Government (DILG).

Ayon sa datos ng Philippine National Police (PNP), nasa 456 na courtesy resignation na lang ang hinihintay para makumpleto na ang bilang ng mga nasa third level officers na kailangang magsumite ng kanilang resignation.

Ayon kay PNP chief Rodolfo Azurin Jr. na naging mabilis naman ang tugon ng mga kasamahan nito sa ahensiya para sa panawagan na courtesy resignation ng DILG sa kanila.

Sa ngayon patuloy ang panawagan ng heneral sa mga kapulisan na huwag matakot sa hamon kung sa tingin ng mga ito ay wala silang kinalaman sa transaksiyon ng iligal na droga sa PNP.

 

Follow SMNI News on Twitter