Bilang ng mga naiuulat na nasawi dahil sa Russian missile strike sa Ukraine, pumalo na sa 35

Bilang ng mga naiuulat na nasawi dahil sa Russian missile strike sa Ukraine, pumalo na sa 35

PUMALO na sa mahigit 35 na indibidwal ang naiulat na nasawi dahil sa naganap na missile attack ng Ukraine sa isang apartment building sa Dnipro, Ukraine.

Ayon sa isang social media post ni Dnipropetrovsk Regional Governor Valentyn Reznichenko, ang nasabing pag-atake ay naganap noong Sabado at ikinasugat ito ng mahigit 75 katao.

Ayon sa Ukraine Air Force ang Kh-22 missile ay nanggaling sa rehiyon ng Kursk, Russia ngunit patuloy naman itong itinanggi ng mga opisyal ng Russia.

Sa talumpati ni Ukrainian President Volodymyr Zelenskyy, nagpapasalamat naman ito sa mga salita ng suporta mula sa buong mundo pagkatapos ng nasabing pag-atake.

Sa ngayon ay patuloy pa ring nagsasagawa ang bansang Ukraine ng search and retrieval operations sa lugar para sa sinumang nakaligtas.

Follow SMNI NEWS in Twitter