Bilang ng mga nasawi sa landslide sa Maco Davao Region, umakyat na sa 71

Bilang ng mga nasawi sa landslide sa Maco Davao Region, umakyat na sa 71

UMAKYAT na sa 71 ang bilang ng mga nasawi sa nangyaring landslide sa Maco Davao de Oro nitong nakaraang linggo.

Batay sa 8am update ng Management of the Dead and the Missing ng Maco,

67 ay mga narekober na buo ang katawan habang 4 naman ay pawang mga body parts lamang.

Mula sa nasabing bilang, 17 dito ay unidentified.

Mayroon pang 47 na indibidwal na pinaghahanap ng mga awtoridad.

Patuloy naman ang search and rescue at retrieval operations ng mga awtoridad at lokal na pamahalaan para sa mabilis na paghahanap sa mga nawawala at pagtulong sa mga biktima ng kalamidad sa rehiyon.

 

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble