PUMALO na sa 33 ang nasawi matapos ang matinding pagbaha sa China.
Ayon sa mga awtoridad, nasa 200,000 katao ang nag-evacuate habang mahigit 3 milyon naman ang naapektuhan dahil sa pagbaha.
Bukod dito, 13 na construction workers naman ang nasawi dahil sa pagkakatrap sa tunnel sa Guangdong, Southern China.
Samantala, nagsasagawa na ng clean-up efforts sa Henan Province at sa Zhengzhou matapos ang pagbaha.
Nagdulot ng sira sa dams, daanan, pagkawala ng kuryente, at nagdulot rin ng malaking pagsabog sa isang pabrika ang nangyaring pagbaha.