Bilang ng mga nasawing Pinoy sa Beirut, Lebanon, umakyat sa 4

Bilang ng mga nasawing Pinoy sa Beirut, Lebanon, umakyat sa 4

UMAKYAT na sa apat ang bilang ng mga Pinoy na nasawi sa malakas na pagsabog sa Beirut, Lebanon.

Kinumpirma ito ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa pamamagitan ng Philippine Embassy sa Beirut.

Ayon sa DFA, umakyat na rin sa 31 ang bilang ng mga Pilipino na nasugatan sa trahedya.

Habang patuloy na nawawala ang isang household service worker.


Sinabi naman ni Philippine Embassy Beirut Charge D’affaires Ajeet Panemanglor, dalawa sa bilang ng mga Pinoy na sugatan ay nananatili sa kritikal na kondisyon at kasalukuyang naka-confined sa Rizk Hospital.

Tiniyak naman ng DFA na patuloy na tutulungan ang mga apektadong Pinoy sa Beirut.

Kinumpirma naman ni Overseas Workers Welfare Administrator Hans Leo Cacdac na umakyat na sa 36 ang bilang ng mga overseas Filipino worker ang apektado sa pagsabog.


Batay naman sa huling datos ng otoridad sa Lebanon, umabot na sa kabuuang 157 ang nasawi sa pagsabog sa Beirut Port habang hindi bababa sa higit limang libo ang naitalang sugatan.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.