Bilang ng mga paaralang apektado ng magnitude 7 na lindol, patuloy na dumadami

Bilang ng mga paaralang apektado ng magnitude 7 na lindol, patuloy na dumadami

PATULOY na dumadami ang bilang ng mga paaralang apektado ng magnitude 7 na lindol sa Northern Luzon ayon sa Department of Education (DepEd).

Habang papalapit ang pagbubukas ng klase ngayong Agosto, patuloy rin na tumataas ang bilang ng mga eskwelahang nasira ng lindol sa Abra at sa mga karatig lalawigan.

“Medyo malaki po ‘yung epekto ng malakas na lindol na naranasan natin last week lang. So, our DepEd officials and field officers are on the ground. They’ve been on the ground since day one and they are continuously monitoring the situation. Sa totoo lang po sa araw-araw medyo tumataas ang bilang ng ating affected schools. So, we are definitely looking at a quick interventions and options para sa mga lugar na ‘to,” pahayag ni Poa.

Batay sa pinakahuling update ng DepEd Disaster Risk Reduction and Management Service, nasa 427 na paaralan ang napinsala kung saan may 1,271 silid-aralan ang bahagyang napinsala, habang 621 na silid-aralan ang lubusang napinsala ng pagyanig.

Naitala sa Cordillera Administrative Region (CAR) ang pinakamataas na bilang ng mga apektadong paaralan na may 382, kasunod ang Rehiyon I (Ilocos Region) na may 150, at Region II (Cagayan Valley) na may 73 na apektadong paaralan.

Sa mga bilang ng mga apektadong paaralan, nasa 456 ang nasirang classroom sa Cordillera Administrative Region, 113 sa Ilocos Region at 27 sa Cagayan Valley.

Dahil dito umakyat na sa P2.188 bilyon ang tinatayang halaga ng pagkukumpuni at muling pagtatayo ng mga silid-aralan at iba pang imprastrakturang napinsala ng lindol.

Magpatatayo ng mga temporary learning spaces ang DepEd sa mga lugar na apektado ng lindol upang hindi maantala ang pagbubukas ng klase sa mga apektadong lugar.

“We are coordinating with the LGUs specifically the barangays kung meron pa silang mga places like basketball court, rooms that they are not using. We are also tapping into the private sectors kung meron silang maibibigay na rooms para sa ating mga learners but thats an options aside from the option of what I said is putting up temporary learning spaces itself. ‘Yung temporary learning spaces ‘yan ‘yung made out of light materials,” dagdag ni Poa.

Follow SMNI News on Twitter