UMABOT na sa mahigit 60,000 ang bilang ng mga pasahero sa Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) base sa pinakahuling datos nito sa kalagitnaan ng Semana Santa.
Ayon sa ulat, karamihan ng mga pasahero ang nagpalipas ng gabi sa PITX upang maagang makakuha ng ticket at makabiyahe sa kani-kanilang mga probinsiya.
Sinabi naman ng pamunuan ng PITX na ang mga bus na nasa mahigit 30 oras ang pagbiyahe ay mayroong kapalitang driver upang masigurong ligtas ang biyahe ng mga pasahero kasunod na rin ng standard operating procedure ng terminal.
Ngayong linggo ring inspeksyunin ng Land Transportation Office kung road worthy ba ang mga bus sa PITX ngayong Holy Week.