Bilang ng mga senador na nagka COVID-19 ngayong 19th Congress, umabot na sa 7

Bilang ng mga senador na nagka COVID-19 ngayong 19th Congress, umabot na sa 7

NADAGDAGAN na naman ang bilang ng mga senador na nagpositibo sa COVID 19.

Ito’y matapos magpositibo sa COVID sina Senador Joel Villanueva, JV Ejercito, at Nancy Binay.

Dahil dito isang one day lockdown naman ang ipatutupad sa Senate building sa araw ng Lunes kasabay ng araw ng pasukan ng mga estudyante.

Nag-abiso si Senador JV Ejercito sa kanyang Twitter na bagama’t walang nararamdamang sintomas ay positibo siya sa COVID-19 batay sa RT-PCR test result na kanyang natanggap Huwebes ng gabi.

“After more than two years of consciously observing all protocols to avoid the virus, it is unfortunate that yesterday (August 18), I tested positive for COVID-19,” pahayag Sen. Ejercito.

Sa isang email naman sa media ay sinabi ni Senadora Nancy Binay na agad na siyang nag-self quarantine matapos niyang malaman na positibo ito sa COVID araw ng Huwebes.

“I am currently at home in isolation, and strictly following recommended protocols, including health and safety procedures,” ayon kay Sen. Binay.

Huwebes ng gabi una nang kinumpirma ni Senador Joel Villanueva na positibo din siya sa COVID-19.

Dahil dito, aabot na sa pito ang bilang ng mga senador na nahawa sa COVID mula sa pagbubukas ng 19th Congress sa buwan ng Hulyo.

Bukod sa tatlo ay una nang nahawa sina Senador Alan Cayetano, Imee Marcos, Cynthia Villar, at Grace Poe.

Kapag ang isang senador ay nagka-COVID, siya at ang kanyang mga staff ay agad nang magka-quarantine.

Dahil sa dumadaming kaso ng COVID-19 ay magpapatupad naman ng one day lockdown ang Senado sa susunod na linggo.

“I have instructed the Secretariat to conduct a thorough cleaning and disinfection of all Senate offices. For this reason, there will be a total lockdown of our Senate building and all Senate employees shall work from home and need not report to the Senate on Monday,” pahayag ni Sen. Juan Miguel Zubiri, Senate President .

Sinabi ni Zubiri na work from home muna ang mga empleyado dahil sa ipatutupad ang lockdown sa Agosto 22 araw ng Lunes.

Ito ay upang ma-disinfect ang Senate building matapos umabot sa pito ang nagpositibo na senador mula ng umpisa ng 13th Congress.

Inaasahan na sa Agosto 23 ay bukas na ulit ang Senado para sa mga empleyado pati ang session ay magbabalik na rin sa nasabing araw.

 

Follow SMNI News on Twitter