Bilang ng mga terorista sa bansa, patuloy na bumababa─AFP

Bilang ng mga terorista sa bansa, patuloy na bumababa─AFP

SA bisa ng Executive Order 70 na nilagdaan ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte naging epektibo ang mga programa ng gobyerno laban sa teroristang grupo sa pamamagitan ng whole of the nation approach.

Na kung saan tulung-tulong ang iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan upang agad na maibigay ang mga pangunahing serbisyo nito sa mga liblib na lugar upang sagayon ay matapos ang insurhensiya at matigil na ang armadong pakikibaka sa iba’t ibang lugar dito sa Pilipinas.

Dahil sa whole of the nation approach patuloy na nadadagdagan ang bilang ng mga rebeldeng nagbabalik loob sa pamahalaan.

Kaugnay rito nagbigay ng ulat si Col. Francel Margareth Padilla tagapagsalita ng Armed Forces of the Philippines (AFP) kaugnay sa internal security ng Pilipinas.

Aniya base sa kanilang record mula Enero 1 hanggang Setyembre 19, 2024 umabot sa mahigit 1,000 miyembro at supporters ng komunistang teroristang grupo ang kanilang na neutralized.

Sa nasabing bilang na sa mahigit 1,500 ang sumuko, mahigit 100 ang nahuli, at nasa mahigit 120 ang nasawi.

Habang sa kaparehong panahon naman umabot sa mahigit 900 na mga armas ang nakumpiska at isinuko sa mga awtoridad.

Mahigit 200 anti-personnel mines ang nakumpiska at isinuko at nasa halos 200 kampo ng komunistang teroristang grupo ang nakubkob ng kasundaluhan.

Samantala, mula Enero 1 hanggang Setyembre 19 2024 nasa mahigit 200 miyembro ng local terrorist naman ang na neutralized ng mga awtoridad.

Sa nasabing bilang mahigit 100 ang sumuko, 10 ang nahuli at nasa mahigit 40 ang nasawi.

Kaugnay rito mahigit 200 armas ang nakumpiska halos 30 anti-personnel mine ang nahuli o isinuko at 11 kampo ng mga terorista ang narekober ng mga sundalo.

Sa huli pinuri ng liderato ng AFP ang pagiging propesyonal at tapat ng mga sundalo sa kanilang serbisyo para sa bayan na nagresulta sa pagbaba ng bilang at paghina ng puwersa ng mga rebeldeng grupo dito sa Pilipinas.

“The AFP leadership commends our troops professionalism the CTGs dwindling manpower and the increasing number or surrenderees is the manifestation of their collapse,” saad ni Col. Francel Margareth Padilla, Spokesperson, AFP.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble