Bilang ng mga tumanggap ng 2nd COVID-19 booster shot sa Maynila, umabot sa 128

Bilang ng mga tumanggap ng 2nd COVID-19 booster shot sa Maynila, umabot sa 128

KINUMPIRMA  ng Manila Publication Office na umabot sa kabuuang 128 ang tumanggap ng 2nd COVID-19 booster shot sa Lungsod ng Maynila.

Sinimulan kahapon ang pag-rollout ng 2nd COVID-19 booster shot sa lungsod ng Maynila nitong Martes.

Sa naturang aktibidad, tanging ang mga kabilang lamang sa immunocompromised (ICPs) population na edad 18-taong gulang pataas ang maaaring turukan ng second booster shot ng COVID-19 vaccine.

Kasama sa immunocompromised ang mga:

– Immunodeficiency state

– HIV

– Active cancer or malignancy

– Transplant recipients

– Undergoing steroid treatment

– Patients with poor prognosis / bedridden patients

-At iba pang mga kondisyon ng immunodeficiency

Ang mga naturang indibidwal ay tumanggap ng second booster shots sa anim na hospitals na pag-aari mismo ng Manila City Government.

Kabilang sa mga ospital ang Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center, Ospital ng Tondo, Justice Abad Santos General Hospital, Ospital ng Sampaloc, Ospital ng Maynila at Sta. Ana Hospital.

Nagkaroon din ng second booster vaccination sa apat na mall sites sa lungsod, na kinabibilangan naman ng SM Manila, SM San Lazaro, Robinsons Ermita at Lucky Chinatown.

Isasagawa rin ang pagbabakuna sa 2nd booster shot sa 44 health centers.

Magpapatuloy naman ang naturang 2nd COVID-19 booster shot sa mga nabanggit na vaccination site.

Follow SMNI News on Twitter