BUMABA ang bilang ng mga Pinoy na walang trabaho o negosyo sa bansa noong Mayo.
Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA), naiatala na lamang sa 2.93 million ang unemployed persons nitong Mayo.
Ito ay higit na mas mababa kumpara sa 3.74 million noong Mayo 2021 ngunit bahagyang mas mataas kumpara noong Abril 2022 na nasa 2.76 million.
Ang unemployment rate naman nitong Mayo ay naitala sa 6%, mas mababa kumpara sa naitala noong Mayo 2021 na nasa 7.7%.
Sa populasyon ng 15 taong gulang pataas, sinabi ng PSA na ang bilang ng nasa labor force o mga indibidwal na employed o unemployed ay naitala sa 49.01 millon nitong Mayo 2022.
Ito ay mas mataas kumpara sa naitalang bilang noong Mayo ng nakaraang taon na nasa 48.46 million at noong Abril 2022 na nasa 48.39 million.