TUMATAAS ang bilang ng pilotong nagbibitiw sa Cathay Pacific Airways sa Hong Kong.
Simula nang inilunsad ng pamahalaan ng Hong Kong ang mga mahigpit na restriksiyon sa mga manlalakbay dahil sa pandemya at pagsarado nito sa ilang borders ng paglalakbay ay lumiit ng halos 40% ang manggagawa nito.
Isa umano sa dahilan ay ang pagreretiro ng iba at ang iba naman ay lumipat sa ibang airline o industriya.
Naniniwala naman ang Chief Operations and Service Delivery Officer na si Greg Hughes na maaaring isa sa dahilan din ay ang paglunsad ng kumpanya ng bagong kontrata na tinatawag na COS18.
Ang COS18 ay isang kontrata na ipinakilala ng kumpanya noong 2018 na nagsasaad ng pagbabawas ng humigit kumulang 40% ng sahod at mga benepisyo sa pagreretiro at pabahay ng mga bagong empleyado.
Ayon kay Hughes, patuloy na aayusin ng Cathay ang mga benepisyo upang mapanatili nito ang mga kawani.
Sinabi naman ng Cathay chief executive officer na si Augustus Tang na plano ng Cathay ang pagkuha ng 4,000 katao sa susunod na taon kabilang ang 700 na mga piloto at magsasanay ng 800 na bagong junior pilots sa taong 2025.
BASAHIN: Mga guro sa Hong Kong, nananawagan mag-COVID test ang mga estudyante sa bahay bago pumasok