INIHAYAG ng Commission on Elections (COMELEC) na mababa pa ang bilang ng mga nagpaparehistro para sa Barangay and SK Elections (BSKE) na gagawin sa buwan ng Oktubre.
Sa datos na mula kay COMELEC acting Deputy Executive Director for Operations Rafael Olano, 60, 491 ang mga bagong aplikante para makaboto sa SK Elections.
Ang mga regular registrants na nasa edad 18-30 nasa 101, 944 habang 25, 694 ang nagparehistro na may edad na 31 pababa.
Matinding apela nila sa publiko na magparehistro na at huwag nang maghintay ng deadline.
Ang voter registration ay ginagawa tuwing Lunes hanggang Biyernes, alas otso ng umaga hanggang alas singko ng hapon sa mga tanggapan ng COMELEC.
Ang Register Anywhere Project (RAP) naman ay tuwing Sabado at Linggo sa mga piling malls sa bansa.