Bilang ng nagpositibo sa COVID-19 sa Pilipinas, umaabot na sa 52

UMAABOT na sa 52 ang bilang ng mga nagpositibo sa coronavirus disease (COVID-19) sa Pilipinas.

Ito ay matapos maitala ng Department of Health ang karagdagang tatlong kaso na dinapuan ng virus.

Ayon sa DOH, dalawa sa mga ito ay residente ng Quezon City, habang inaalam pa kung saan nakatira ang isa.

Patuloy naman ang panawagan ng DOH sa publiko na makiisa sa ginagawang contact tracing ng mga otoridad sa nakasalamuha ng mga positibong pasyente.

3 pang pasyente ng COVID-19, pumanaw na

Kinumpirma ng Department of Health na pumanaw na ang tatlo pang pasyente ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa Pilipinas.

Ayon sa DOH, ang mga nasawing pasyente ay sina Patients number 5, 6 at 37.

Sina Patient 5, na 62-anyos at Patient 6, na 59-anyos, ay mag-asawa na mula sa Cainta at na-confine sa Research Institute for Tropical Medicine (RITM).

Si Patient 5 ay pumanaw nitong Huwebes ng umaga dahil sa acute respiratory distress syndrome mula sa severe pneumonia.

Habang si Patient 6 ay binawain ng buhay noong Miyerkules ng gabi dahil din sa acute respiratory distress syndrome dahil sa severe pneumonia.

Samantala si Patient 37 ay 88-anyos na babae na mula sa Pasig City, at mayroong hypertension at na-confine sa Philippine Heart Center.

Pumanaw naman siya nitong Huwebes ng hapon dahil sa acute respiratory illness.

Dahil dito, umakyat na sa lima ang nasawi sa COVID-19 sa Pilipinas kung saan apat ang Pilipino at isang Chinese.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.