Bilang ng nasasawi dahil sa ‘hunger cult’ sa Kenya, tumataas

Bilang ng nasasawi dahil sa ‘hunger cult’ sa Kenya, tumataas

TUMATAAS ang bilang ng mga nasasawi dahil sa ‘hunger cult’ sa Kenya.

Ayon sa interior minister sa naturang bansa, pinapaniwala ng Good News International Church ang kanilang taga-sunod na mapupunta sa langit ang mamamatay sa gutom.

Sa huling tala ng Kenyan Government, umabot na sa mahigit 90 katao ang nasawi dahil sa paniniwalang ito.

Habang nasa 34 naman ang nailigtas.

Sinabi rin ng awtoridad na arestado na ang pastor ng Good News International Church na si Pastor Paul Mackenzie kasunod ng pagkaka-raid sa kaniyang mga ari-arian.

Kaugnay nito, isa pang religious group ang iniimbestigahan kaugnay sa ‘hunger cult’.

Follow SMNI NEWS in Twitter