MAS marami pa ang bilang ng mga nasawi sa road accident kumpara sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) ayon ng isang kongresista.
Dahil dito, nais patibayin ni Samar 1st District Representative Edgar Mary Sarmiento, chairman ng House Committee on Transportation ang education program para sa mga tsuper.
Ito ay upang mabawasan ang dumaraming road accidents sa bansa.
Nakalahad ang panukalang ito sa House Bill 7898.
“Ang number of accidents po natin, on record po ay nasa 218, 000 accidents kada taon po ‘yon, Metro Manila lang po,” pahayag ni Sarmiento.
Dagdag pa ni Sarmiento, karamihan sa mga aksidenteng ito ay sanhi ng human error.
Inihayag din ni Cong. Sarmiento na sanhi ng aksidenteng ito nasa 12, 000 kada taon sa Metro Manila ang nasasawi.
Diin pa ni Sarmiento, mas marami pa ang nasasawi sanhi ng road accident kaysa sa COVID-19.