Bilang ng OFWs na umuuwi ng bansa, halos balik na sa pre-pandemic level

HALOS balik na sa pre-COVID-19 pandemic level ang bilang ng mga overseas Filipino workers (OFWs) na umuuwi ng bansa para sa Christmas vacation.

Ayon kay Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) Administrator Hans Cacdac, bunsod ito ng economic recovery sa mga bansa kung saan galing ang mga OFWs na nagresulta ng muli nilang pagkakaroon ng stable job.

Sa ngayon, sinabi ni Cacdac na nasa 80,000 hanggang 100,000 ang mga umuwing OFWs kung saan malapit na ito sa pre-pandemic level.

Sa kasalukuyan ay nasa 15 bansa ang inilagay ng Pilipinas sa red list o high risk sa gitna ng banta ng Omicron variant.

Nakahanda namang tanggapin ng Pilipinas ang pagdating ng 80,000 hanggang 100,000 overseas Filipino workers.

Ito ay sa kabila ng nakaambang panganib ng Omicron variant ng COVID-19.

Ayon sa ulat, nakatakdang dumating sa bansa ang naturang bilang ng mga OFW para sa bakasyon o bahagi ng repatriation flights na pinangasiwaan ng pamahalaan.

Sa huling ulat ng World Health Organisatio o WHO, nasa 57 bansa sa ngayon ang apektado ng Omicron variant.

Ngunit ayon sa Department of Health (DOH) nitong Biyernes, wala pang isang kaso ng Omicron variant ang bansa.

SMNI NEWS