Bilang ng PDL na pinalaya noong 2022, umabot sa higit 130,000

Bilang ng PDL na pinalaya noong 2022, umabot sa higit 130,000

NASA 130,138 na persons deprived of liberty (PDL) sa iba’t ibang piitan sa buong bansa ang pinalaya ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) noong 2022.

Ito ang ibinahagi ng Presidential Communications Office base na rin sa datos ng BJMP kung saan nasa 77,960 na PDLs ang lumaya sa pamamagitan ng paralegal services. PDL

Pumalo naman sa kabuoang 25,333 na PDLs ang napalaya sa pamamagitan ng ibang paralegal modes.

Kaugnay rito, pinuri ni Interior and Local Government Secretary Benhur Abalos Jr. ang pagsusumikap ng BJMP na ma-decongest ang mahigit 400 na jail facilities ng bansa.

Follow SMNI NEWS in Twitter