Bilang ng turista sa Japan, lumagpas na sa 100,000 sa buwan ng Agosto

Bilang ng turista sa Japan, lumagpas na sa 100,000 sa buwan ng Agosto

PATULOY ang paglago ng bilang ng turista sa Japan kasabay ng mas maraming pagluluwag sa border control ng bansa.

Lumagpas sa higit 100k ang dayuhang turista sa Japan sa ikalimang magkakasunod na buwan.

Ito ay kasunod ng mga pagluluwag sa borders ng bansa.

Ang foreign arrivals noong nakaraang buwan ay umabot sa higit 160k na mas mataas ng 6 na beses kumpara noong buwan ng Agosto 2021.

Samantala, kahit pinapayagan na ng gobyerno ang small scale tours noong Hunyo, nananatiling mababa ang bilang na ito kumpara sa pre-pandemic level.

Karamihan sa mga bumisita sa Japan ay mga negosyante, technical interns at international students.

Inaasahan namang mas tataas pa ang bilang na ito sa susunod na buwan kasabay ng pagtatanggal ng daily arrival cap sa katapusan ng  Nobyembre.

Follow SMNI NEWS in Twitter