Bilang paghahanda sa La Niña, Batanes nakatanggap ng P8-M na halaga ng ayuda

Bilang paghahanda sa La Niña, Batanes nakatanggap ng P8-M na halaga ng ayuda

BILANG paghahanda sa nalalapit na La Niña, nakatanggap ng donasyon mula sa Office of Civil Defense (OCD) ang Provincial Local Government Units ng Batanes.

Ang nasabing donasyon ay mga non-food items assistance na aabot sa mahigit P8-M ang halaga.

Kabilang din sa ibinigay ng OCD sa lalawigan ng Batanes ay ang pitong generator sets na makakatulong upang hindi maantala ang trabaho ng mga nasa gobyerno kahit pa sa panahon ng kalamidad.

Ayon kay Civil Defense Administrator Usec. Ariel Nepomuceno na ang Batanes ay palaging dinadaanan ng malalakas na bagyo idagdag pa rito na malayo sa kabihasnan ang nasabing lugar.

Kaya naman habang hindi pa nararanasan ang La Niña, mas mainam na aniyang maging handa at susi rito ang pre-position o paglalagay na ng mga relief goods at iba pang kinakailangan na mga kagamitan upang sagayon ay may agad na magagamit sa panahon ng pangangailangan.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble