Bilanggo sa BuCor, kusang nagsauli ng 6 sachet ng hinihinalang shabu

Bilanggo sa BuCor, kusang nagsauli ng 6 sachet ng hinihinalang shabu

KUSANG isinauli ng isa sa persons deprived of liberty (PDL) ang isang pouch na naglalaman ng anim na sachet ng hinihinalang shabu na itinago sa lata ng pineapple juice.

Ito ang kinumpirma ng pamunuan ng Bureau of Corrections (BuCor).

Ang kontrabando na isinauli ng bilanggong si Robert Gamboa ay dinala sa Office of the Intelligence and Investigation Section para idokumento.

Pagkatapos nito ay agad namang nai-turn over sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Kaugnay rito, inilipat muna sa Medium Security Compound si Gamboa dahil sa usaping pang-seguridad.

Naniniwala naman si BuCor Director Gregorio Catapang na may kasabwat si Gamboa sa loob ng BuCor dahil hindi makakapasok ang kontrabando kung walang kasabwat.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter