Bilateral relations ng Malaysia at US, nananatiling malakas

Bilateral relations ng Malaysia at US, nananatiling malakas

PINAHAHALAGAHAN ng Malaysia at Estados Unidos ang kanilang bilateral relations at patuloy na magtutulungan para sa kaunlaran at seguridad ng ekonomiya ng bansa.

Nitong Martes, Agosto 2 ay dumating sa bansa si US House of Representatives Speaker Nancy Pelosi kasama ang kanyang delegasyon sa Kongreso bilang bahagi ng kanyang pagbisita sa apat na bansa sa Asya.

Ang pagbisita ni Pelosi ay nakatuon sa mutual security, economic partnership at demokratikong pamamahala sa Indo Pacific Region.

Ayon naman kay Prime Minister Datuk Seri Ismail Sabri Yaakob, ang partnership ay mas lumakas at tumaas sa pamamagitan ng katatapos na ASEAN-US Special Summit na ginanap sa Washington D.C. mula noong Mayo 12-13.

Bukod pa rito, lumakas din ang partnership sa pamamagitan ng vaccine diplomacy cooperation kung saan nag-donate ang US ng isang milyong dosis ng Pfizer-BioNTech COVID-19 vaccines sa Malaysia para tulungan ang bansa sa paglaban sa pandemya.

Dagdag pa rito, ang US ay kasalukuyang pangatlo sa pinakamalaking global trade partner at export destination ng Malaysia, habang ang Malaysia ang ika-17 pinakamalaking trade partner ng US.

Samantala, pinasalamatan ni Prime Minister Ismail Sabri si Pelosi para sa unang pagbisita nito sa Malaysia at sa pagsisikap na palakasin ang bilateral relations sa pagitan ng dalawang bansa.

Follow SMNI NEWS in Twitter