MAS pinalakas pa ang bilateral security ng Pilipinas at Singapore.
Pinangunahan ng Department of National Defense (DND) ang pag-host sa delegasyon mula sa Ministry of Defense ng bansang Singapore para sa ika-anim na Philippines-Singapore Defense Policy Dialogue (DPD) na ginanap noong Hulyo 19-20, 2023 sa lungsod ng Maynila.
Ayon kay Department of National Defense, spokesperson Arsenio R. Andolong, tumayo bilang co-chair sina Assistant Secretary for Strategic Assessments and International Affairs Pablo M. Lorenzo at Singapore’s Deputy Secretary (Policy) BGen. Kelvin Fan.
Sinabi ng tagapagsalita na ang dalawang kampo ay kinilala ang positibong momentum ng bilateral defense relations, na minarkahan sa pamamagitan ng paglagda ng dalawang defense arrangements ilang taon na ang nakalipas.
Aniya, pinag-usapan ng dalawang opisyal ang kanilang pananaw sa mga nangyaring pag-unlad sa seguridad sa rehiyon.
Kabilang din sa kanilang mga nagpag-usapan ay ang inisyatibo na gagawin ng dalawang defense ministries sa mga susunod na taon na kalauna’y maaaring talakayin ng dalawa sa pamamagitan ng bilateral and multilateral platforms.
“The two officials exchanged views and insights on recent security developments in the region as well as future initiatives which the two defense ministries could further discuss through bilateral and multilateral platforms,” pahayag ni Arsenio R. Andolong, Spokesperson, DND.
Pinaburan naman ng Singaporean ang panig ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa ginagawa nitong counter-terrorism operations, na kung saan malaki ang naiambag upang maitatag muli ang maayos na Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) at nagpahayag din ng interest ang bansang Singapore na nais nilang matuto sa mga best practices at mga karanasan ng Pilipinas sa counter-terrorism.
Dahil dito ay nagpahayag din ang Pilipinas ng pagnanais na dumalo sa taong 2024 sa gaganaping Counter-Terrorism Information Facility (CTIF), na pamumunuan ng Singapore upang sa gayon ay mas mapalakas pa ang kapasidad ng dalawang bansa kaugnay sa regional intelligence upang mamonitor ang mga aktibidad ng mga terorista sa pamamagitan ng pagsaliksik, analisa at pagbibigay ng impormasyon.
Samantala, inihayag naman ni Assistant Secretary Lorenzo ang interes ng Pilipinas na madagdagan pa ang kaalaman kaugnay katatapos lang na Digital and Intelligence Service (DIS) ng Singapore, at umaasa ang bansang Pilipinas at Singapore na magtutulungan para sa pagpauunlad ng kani-kanilang cybersecurity initiatives sa pamamagitan ng subject matter expertise exchanges (SMEEs) at information sharing.
“The interest of the Philippines to learn more about the recently established Digital and Intelligence Service (DIS) of Singapore, and hoped that the Philippines and Singapore could work towards the enhancement of their respective cybersecurity initiatives through subject matter expertise exchanges (SMEEs) and information sharing,” ayon kay Arsenio R. Andolong, Spokesperson, DND.
Dagdag pa dito, nakita rin ng dalawang kampo ang positibong patutunguhan ng enhanced bilateral cooperation sa pamamagitan ng pagbuo ng working groups ng Philippine Air Force (PAF) at ng Philippine Navy (PN) sa kani-kanilang counterparts sa Singaporean Armed Forces (SAF).
“In addition, both sides saw a positive trajectory on enhanced bilateral cooperation through the establishment of working groups of the Philippine Air Force (PAF) and the Philippine Navy (PN) with their respective counterparts at the Singaporean Armed Forces (SAF),” dagdag ni Andolong.
Natalakay rin ang mga opurtunidad para sa edukasyon at palitan ng pagsasanay upang suportahan ang Secretary of National Defense (SND) sa pagpauunlad at pagsasaayos ng professionalization ng DND.