ILILIPAT na sa Palawan ang New Bilibid Prison (NBP) ng Muntinlupa City at Correctional Institution for Women (CIW) ng Mandaluyong City.
Ang mananatili na lang sa Muntinlupa at Mandaluyong ayon sa Bureau of Corrections (BuCor) ay ang kanilang Reception and Diagnostic Center (RDC) kung saan inilalagay ang bagong lipat na persons deprived of liberty (PDLs).
Sa property naman ng BuCor sa Palawan, gagawin na nila itong agro-industrial zone na makatutulong sa food security ng bansa.
Dito na papasok ang mga PDL dahil magiging kaisa sila o katuwang sa paglinang ng magiging agro-industrial zone ng BuCor.