INIHAYAG ng Bureau of Corrections (BuCor) na naka-red alert na ngayon ang New Bilibid Prison sa Muntinlupa.
Ito ang kinumpirma ni BuCor director general for operations na si Angie Bautista.
Bunga aniya ito sa nangyaring gulo kagabi sa loob ng Maximum Security Compound kung saan naiulat na siyam ang sugatan at isa ang nasawi sa insidente.
Sinuspinde na rin ng BuCor ang dalaw sa mga PDL.