MAKIKITA rin ang billboard ng KOJC spiritual leader, Pastor Apollo C. Quiboloy sa Jose Maria College Foundation, Inc. (JMCFI) building sa Davao City.
Ang mga larawan ng Butihing Pastor kasama ng mag-amang Duterte at isa ring senatorial aspirant na si SAGIP Party-list Rep. Dante Marcoleta ay visible mula sa Davao International Airport.
Inendorso ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte at ni Vice President Sara Duterte ang kandidatura ni Pastor Quiboloy sa pagka-senador ngayong 2025 Midterm Elections.
Isa sa mga plataporma ng KOJC leader ay labanan ang corruption na matagal nang nanuot sa sistema ng pamahalaan sa Pilipinas.