Billy at Coleen, natutunan ang pagtitiwala sa Diyos. Isang pagsubok para sakanila, at aminado ang dalawang mag asawa na malaking hamon sa kanila ang nakaraang taon bunsod ng pagkawala ng trabaho simula ng mag sara ang ABS- CBN network.
Ang ang singer- aktor at asawa nitong si Coleen ay minsan naring napag isipan ang umalis na sa Pilipinas dahil sa kahirapan. Gayunpaman nahirapan rin ang mag asawa na mag isip ng positibo lalo na sa kalagitnaan ng pagka sara ng ABS- CBN at sa nararanasan ngayon na pandemya.
Nagpahayag naman ng katotohanang pahayag ang singer-aktor sa isang interview na sabi nito, “The Wall Philippines”.
Inamin ng mag asawa ang paghihirap dulot sa pareho nilang pagkawala ng trabaho.
“Nung nawalan kami ng trabaho after ABS-CBN, medyo parang at one point… alam mo, may mga times na nag-uusap kaming mag-asawa na, ‘Anong gagawin natin? Iwan na lang ba natin lahat, tapos lipat na lang tayo ng ibang bansa?’
“May mga tipong life decisions na kailangang gawin. Kasi, hindi madali mag-outlook o magtanaw ng positivity sa lahat na negative na nangyayari sa paligid mo,” pahayag ng aktor.
Pero ayon sa aktor magkasama nilang mag- asawang hinarap ang problema sa pamamagitan ng pananalig sa panginoon. At ayon sa aktor natupad ang kanilang mga dalangin nang magkaroon siya ng proyekto sa TV5.
“Ang number one na natutunan namin is nagtiwala kami sa Panginoon. Nagdasal kami nang todo-todo at iniyakan naming pamilya kung ano talaga ang kailangan naming gawin.
Ngayon malaki ang pasasalamat ng aktor sa lahat ng pagpapala na kanilang natanggap.