HANDANG mag-invest ng bilyun-bilyong dolyar ang TikTok sa buong Southeast Asia sa susunod na mga taon para mapaunlad ang kanilang negosyo.
Kasunod ito sa kanilang datos na ang Southeast Asia ang isa sa pinakamalaking market ng Tiktok sa larangan ng users.
Sa Southeast Asia pa lang ay 325 million na ang bumibisita sa video app kada buwan.
Iyon nga lang at kinakailangan pa ng TikTok na gawing major e-commerce revenue source ang naturang bilang ng users.
Kailangan din na malagpasan na nila ang kanilang mga karibal sa industriya gaya ng Shopee, Lazada at Tokopedia.
Marami-rami din ang hindi pa tumatangkilik sa TikTok dahil sa isyu ng seguridad.
Dahil dito, target ng TikTok na masolusyonan agad ang naturang problema.