Binabantayang private armed groups sa bansa, umakyat na sa 49—PNP

Binabantayang private armed groups sa bansa, umakyat na sa 49—PNP

UMAKYAT na sa 49 na private armed groups (PAGs) ang binabantayan ngayon ng Philippine National Police (PNP).

Sa panayam ng media kay PNP PIO chief PBGen. Redrico Maranan, araw ng Lunes Hunyo 26, 2023, kinumpirma nito ang patuloy na pagtaas ng bilang ng mga PAGs sa bansa.

Batay sa kanilang datos, 3 ang aktibong grupo na minomonitor ng PNP na nagmula sa Region 3.

Habang ang mayorya naman ng potential PAGs ay galing sa Mindanao partikular na sa Bangsamoro Autonomous Region na umabot sa 37.

Sa ngayon, patuloy ang koordinasyon ng PNP sa mga kilos ng mga grupong ito bilang bahagi ng paghahanda para sa nalalapit na pagsasagawa ng malalaking aktibidad sa bansa ngayong taon.

Isa na rito ang nakatakdang ika-2 State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. FIBA World Cup, Barangay at SK Elections at Palarong Pambansa.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter