TIWALA si Senadora Nancy Binay na magiging patas si Senador Francis ‘Tol” Tolentino sa inihain niyang reklamo laban kay Senador Alan Peter Cayetano.
Kamakailan ay naghain si Binay ng reklamo sa Senate Ethics Committe, na pinangungunahan ni Sen. Tol bilang chairman, dahil sa umanoy pambabastos ni Cayetano sa gitna ng pagdinig kaugnay sa umanoy lumulobong budget ng New Senate Building (NSB).
Ipinunto ni Binay na nakahanda siyang sumunod sa kung ano man ang magiging hakbang ng komite dahil pahayag ni Tolentino na aaksyunan ang kanyang reklamo.
Malaking bagay rin aniya na abogado si Sen. Tol dahil alam nito ang tamang judical process ng kanyang reklamo laban kay Cayetano na isa ring abugado.
Una nang sinabi ni Tolentino na maari niyang personal na pagharapin muna ang dalawang nag-uumpugang senador para maresolba ang problema bago isalang sa ethics committe.