EMBARKING for a world tour ang Pinoy girl group na BINI sa susunod na taon!
Ilan sa key cities na bibisitahin ng grupo ang Singapore, Dubai, London, at Estados Unidos.
Sa anunsiyo mismo ng members, ang kickoff ng magiging ‘BINIverse World Tour’ ay sa Pebrero 2025 sa Philippine Arena, Bulacan.
Ang ticket selling para sa BINI global members ay magsisimula sa Disyembre 27 habang ang general public sale ay sa Disyembre 28.