KASAMA ang P-pop girl group na BINI sa 10 artists ng Spotify Radar Philippines.
Kasama rin ng girl group ang OPM singer na si Maki, Hev Abi, Illest Morena, Cup of Joe, Dionela, Jason Dhakal, Denise Julia, Ysanygo, at DWTA.
Ang Radar ng Spotify ay isang global music program para sa mga umuusbong na artist.
Layunin nito ang mapalawak ang marating ng iba’t ibang music genres sa buong mundo.