Binibining Pilipinas Intl 2021 Hannah Arnold, all set na para sa coronation night sa December

Binibining Pilipinas Intl 2021 Hannah Arnold, all set na para sa coronation night sa December

IBINAHAGI ni Binibining Pilipinas International 2021 Hannah Arnold ang kanyang official photo para sa Miss International 2022 Pageant ngayong Disyembre.

Sa caption ni Hannah sa larawang kanyang ibinahagi sa social media, sinulat niya na “Para sa Pilipinas” ang kanyang pakikipaglaban para sa nabanggit na pageant.

Halata namang ready na si Hannah para sa coronation night.

December 13 sa Tokyo Dome City Hall, Japan ang venue para dito sa Miss International 2022 na lalahokan ni Hannah.

Si Nicole Borromeo na nanalo mula sa Binibining Pilipinas 2022 ay sasabak naman para sa 2023 edition ng pageant.

Follow SMNI NEWS in Twitter