KUMPIYANSA ang Department of Public Works and Highways (DPWH) na matatapos ngayong taon ang konstruksyon ng China-funded Binondo-Intramuros Bridge ngayong taon.
Ito ang inihayag ni DPWH Sec. Mark Villar sa pagbisita nila ni Chinese Ambassador Huang Xilian sa isinasagawang tulay.
Ayon sa kalihim, maayos at tuloy-tuloy ang pag-usad ng proyekto at posible itong mabuksan sa mga motorista ngayong taon.
Sa ngayon ay tinatayang 90% nang tapos ang main bridge.
Inaasahang oras na buksan sa publiko ay maseserbisyuhan nito ang nasa mahigit 30,000 motorista kada araw at makatutulong sa trapiko.
Ang Binondo-Intramuros project ay isang two-way four-lane bridge na bahagi ng Build-Build-Build Program ng administrasyon.