Binondo-Intramuros Bridge, pasisinayaan na bukas

Binondo-Intramuros Bridge, pasisinayaan na bukas

PASISINAYAAN na bukas, Abril 5 ang Binondo-Intramuros Bridge.

Ayon sa Department of Public Works and Highways (DPWH), all systems go na ang gagawing inauguration ceremony sa inaabangang bagong tulay sa Pasig River na may attractive arch design na magiging bagong new iconic landscape sa Maynila.

Sa pagbubukas ng tulay, sinabi ni DPWH Undersecretary and Build, Build, Build Chief Implementer Emil Sadain na mababawasan na ang bigat ng daloy ng mga sasakyan sa Manila dahil maipagdudugtong na nito sa mas mabilis na ruta ang Binondo at Intramuros na dalawa sa pinakaabalang lugar sa lungsod.

May haba na 680-lineal meter ang 4 lane na tulay at kayang makapagserbisyo ng 30,000 na motorista kada araw.

Kabilang ang Binondo-Intramuros Bridge sa China-grant project sa Metro Manila sa ilalim ng Build, Build, Build program.

Follow SMNI NEWS in Twitter