Biofertilizers, hindi pa napatunayang mas epektibo bilang pataba—SINAG

Biofertilizers, hindi pa napatunayang mas epektibo bilang pataba—SINAG

HINDI pa napatutunayang nakatutulong sa mas maraming ani ang biofertilizers.

Ito ang sinabi ni Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG) President Engr. Rosendo So sa panayam ng SMNI News.

Giit ni So, wala man lang commercial tests na isinagawa ang Department of Agriculture (DA) para dito.

Ikinababahala ng SINAG ang inilabas na Memorandum Order No. 32 ng DA kamakailan dahil nakapaloob sa naturang guidelines ang pamamahagi ng biofertilizers sa mga magsasaka ngayong taon.

Sa pahayag ni So, posibleng magkakaroon muli ng fertilizer scam.

Matatandaan na noong 2004 ay pumutok ang fertilizer fund scam nang umano’y i-divert nina dating DA Usec. Jocelyn Bolante at iba pang opisyal ang P728-M na fertilizer funds para umano ilaan sa presidential bid ni dating Pangulong Gloria Arroyo.

Ibinasura naman ang naturang kaso ng Office of the Ombudsman noong Mayo 2, 2014.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter