BIR chief Dulay, inatasang balasahin ang mga empleyado na sangkot sa mga iregularidad

INATASAN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte si Bureau of Internal Revenue (BIR) Chief Atty. Caesar R. Dulay na balasahin ang mga empleyado ng ahensiya ng sangkot sa mga iregularidad.

Ito ang inihayag ni Presidential Spokesperson Harry Roque sa regular press briefing ng Malacañang Palace.

“Ipinag-utos din po ng presidente sa hepe ng Bureau of Internal Revenue o BIR si Atty. Caesar Dulay na balasahin ang mga personnel ng ahensya dahil sa mga ireguralidad,” panawagan ni Roque.

Bukod pa rito, nagpaalala din si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa mga biyahero na nakikipagkonsaba sa mga tauhan ng mga airport at seaports na hindi sumusunod sa mga quarantine requirement.

Samantala, ipinagpapaliban muna ni Pangulong Duterte ang 2021 contribution hike para sa mga miyembro ng Philippine Health Insurance Corp. o PhilHealth.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.