BIR Commissioner Lumagui Jr, naghain ng resignation kahit para lang sa mga kalihim ang panawagan ni Marcos Jr.

BIR Commissioner Lumagui Jr, naghain ng resignation kahit para lang sa mga kalihim ang panawagan ni Marcos Jr.

INANUNSIYO ni BIR Commissioner Romeo Lumagui Jr. sa kaniyang official Facebook page ang pagbibitiw nito sa puwesto, ngayong araw.

Kasunod ito sa naging panawagan ni Marcos Jr. na courtesy resignation para sa lahat ng miyembro ng Gabinet at sa mga opisyal na may ranggong kalihim.

Sa kaniyang pahayag, suportado niya ang panawagan ng Pangulo para sa accountability sa loob ng gobyerno.

“I fully support the call of President Ferdinand Marcos Jr. for accountability in public service,” pahayag ni Romeo Lumagui Jr., Commissioner, BIR.

Ang kaniyang ginawang hakbang ay bilang tugon lang aniya sa nais ni Marcos Jr. para bigyang laya ito na suriin ang kaniyang performance bilang pinuno ng ahensiya.

“Buong puso po ang ating paniniwala na ang hamon ng ating Pangulo na “to realign government with people’s expectation” ay nararapat at napapanahon. This call for accountability shows the commitment of the President to establish a government that serves the people,” aniya pa.

Hangad aniya nito at ipinagdadasal na maging maayos at maitataas pa ang antas ng pamumuhay ng lahat ng mga Pilipino.

Matatandaang nanawagan si Marcos Jr. sa mga miyembro ng gabinete at mga opisyal na may ranggong kalihim na maghain ng kanilang resignation upang masigurong epektibo ang serbisyo publiko sa ilalim ng kanyang pamumuno.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble