BIR, nagdagdag ng 10 gamot sa VAT-Exempt List

BIR, nagdagdag ng 10 gamot sa VAT-Exempt List

SA gitna ng patuloy na pagtaas ng gastusin sa pang-araw-araw na pamumuhay, may ginhawang hatid ang bagong hakbang ng Bureau of Internal Revenue  (BIR).

Inilabas na ng BIR ang isang bagong memorandum na nagsasabing sampung gamot ang idinadagdag sa listahan ng mga V.A.T.-exempt o hindi na papatawan ng 12% value-added tax—isang malaking tulong para sa mga Pilipinong umaasa sa kanilang maintenance.

Kabilang sa mga ito ang ilang gamot laban sa diabetes, high blood pressure, mataas na cholesterol, at mental illness gaya ng risperidone.

Batay sa Revenue Memorandum Circular No. 25 dash 2025, layunin ng hakbang na gawing mas abot-kaya ang mga essential medicine para sa mga nangangailangan.

Ang exemption ay alinsunod sa Tax Reform or Acceleration and Inclusion o TRAIN Law at Corporate Recovery and Tax Incentives for Enterprises o CREATE Act, at epektibo ito mula sa petsa ng opisyal na paglalathala ng Food and Drug Administration o FDA.

Ayon sa BIR, patuloy silang nakikipag-ugnayan sa FDA at Department of Health para mapalawak pa ang benepisyo sa iba pang uri ng gamot.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble